Kaibigan?

6 11 2007

nung una wala lang, parati lang kayong magkasama..
wala kasi, kaibigan lang naman..
walang tinatago kahit kanino,
kaya lakad dito, punta dun, pasama kahit saan..
ang sama sama mo pa nga sa kanya,
kasi parang wala kang pakialam..
naiinis ka pa nga kung bakit ang kulit kulit nya
sa isang araw nakakalimang tawag sya sayo..
wala lang kung anu ano lang pinaguusapan..

pagnagkikita naman ang lambing lambing nya sayo..
ikaw pa naman yung taong hindi sanay sa ganoon..
kaya parati mo syang binabara..

tapos isang araw, mapapansin mo na lang na hinahanaphanap mo sya..
bigla ka na lang mapapangiti pag naaalala mo ang mga ginagawa nyo noon..

pagmagkaharap kayo napapansin mo na yung
mga bagay na dati di mo nakikita..
ang tangos pala ng ilong nya..
ang haba ng pilik mata..
ang ganda pala nyang ngumiti..
ang pula ng mga labi..

pagmagkasama kayo komportableng komportable ka..
alam mong binabantayan ka nya..
alam mong isa kang prinsesa..
alam mong walang mananakit sayo..

pero kung dati wala kang pakialam,
ngayon lahat sayo’y may dahilan..
hindi ka lang mabati..
bigyan ka lang ng kendi..
tanungin ka lang kung kumain ka na..
hindi man lang tumawag
malaking bagay na yun sayo!

buong gabi tinatanong mo sarili mo
BAKIT KAYA NYA GINAGAWA YUN?

tapos sasabihin mo sa sarili mo…
magkaibigan lang kayo!
kaibigan lang ang tingin mo sa kanya..
kaibigan lang din ang tingin nya sayo..
oo nga naman, magkaibigan kasi kami..

dadaan ang mga araw, magpapatuloy ang ganyan..
hindi mo maintindihan bakit ganun ang nararamdaman mo..
tapos sasabihin mo sa sarili mo, magkaibigan lang kayo!

lahat ng nakapaligid sayo nagtatanong, nangaasar, nagungulit,
tinatanong kung ano ba talaga kayo..
paguwi mo sa bahay paghiga sa kama, hindi makatulog..
tatanungin mo din ang sarili mo, ano ba talaga kami?
tapos sasabihin mo sa sarili mo, magkaibigan lang kayo!

tapos biglang mapapansin mo na lang na bigla syang nagbago..
hindi na parang nung dati, iniiwasan ka na nya..
hindi ka na kinakausap, ni di ka nga matingnan..
ano kaya ang nangyari, may ginawa ka ba na kinagalit nya?
yan ang mga tanong na madalas na naiiwan sayo..
mga tanong na walang kasagutan..

kung meron man..
isang tao lang ang makakasagot..
hindi ang bestfriend mo..
hindi ang kapatid mo..

ang kaibigan mo lang..

pero kaya mo bang itanong?

tapos sasabihin mo kaibigan lang naman..
gusto ko lang magtanong..
tapos bigla ka na lang matatakot..
mahihiya..
maiilang..
sabihin mo kaibigan lang naman..

biglang isang araw nagkaroon ka ng lakas ng loob na lapitan sya..
paglapit mo, di ka makapagsalita, di ka makatingin sa mata nya..
pero pinilit mo pa din, kahit mahirap..

palayo ka na..
hindi mo na alam kung saan ka papunta..
naglalakad ka na parang tumatakbo, pero walang direksyon..
biglang hinawakan mo ang libro mo ng mahigpit at tumungo..
di mo inaasahang tumulo ang mga luha sa iyong mga mata..
bigla kang natawa..

SABI KO NGA KAIBIGAN LANG..

“It hurts to fall in love with somone who only sees you as a friend,
but what hurts most is knowing that, that person loves you too,
but denies it because of friendship …”





puno ng pagsubok

31 10 2007

Romeo Unsay Gaor Godoy y Tadeo ang buong pangalan ko. Ipinanganak noong Sept. 6, 1987, sa bayan ng San Jose, lalawigan ng Cam. Sur. Bunso ang ako sa 8 namin magkakapatid, lahat sila may asawa na, ako na lang ang wala. Maaga kaming naulila sa nanay namin, grade 4 pa lang ako nun nung namatay ang nanay ko, mahirap mabuhay ng walang ina, nawawalan ng ilaw sa tahanan, kaya mula noon natuto kaming mamuhay ng mag-isa, nagkahiwa-hiwalay, napunta sa malayo ang iba. 

Siguro natural na sa isang tao ang maraming pagsubok sa kanyang buhay, ika nga, pag walang problema hindi normal ang pagkatao mo, dito nasusubukan ang iyong kakayahan kung ano meron ka, dito pinapatibay ang ating kakayanan na mag-isip kung ano ang dapat gawin, sa sking buhay napakarami ng pagsubok ang dumaan, nandiyan ang problema sa pamilya, sa pag-aaral, pinansyal, ndi ko alam kung ano ang gagawin ko kung lahat yan ay sabay sabay na dumarating. Pero lahat ng yan ay nalagpasan ko, with my family, god, nakayanan kung harapin ko lahat ng problema.

Sa ngayon, abala ako ako sa trabaho at pag-aaral ko, paminsan minsan dumarating pa rin yung problemang pampinansiyal, pero dahil may sarili na akong trabaho, nagagawan ko agad ito ng paraan. Sa umaga trabaho, sa gabi naman pasok sa skul, masarap na mahirap, mahirap kasi kulang sa tulog, puyat lagi, pero mataba pa rin, masarap kasi nakikita ko yung hirap na napupunta sa mabuti, by next year graduate na ako, i hope after i graduate makakuha agad ng work, kahit ano, basta ok yung salary, reasonable, sana ito na yung way para matupad ko ang mga dreams ko. To help my family needs. Kaya ang buhay tuloy lang, habang may buhay may pag-asa.





Hello world!

31 10 2007

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.